[Intro]
Ika’-ika’, ikaw
[Verse 1]
Alam mo ba muntikan na
Sumuko ang puso ko
Sa paulit-ulit na pagkakataon
Na nasaktan, nabigo
[Pre-Chorus]
Mukhang delikado na naman ako
Oh, bakit ba kinikilig na naman ako?
Pero ngayon ay parang kakaiba
‘Pag nakatingin sa’yong mata, ang mundo ay kalma
[Chorus]
Ngayong nand’yan ka na, ‘di magmamadali
Ikaw lang ang katabi hanggang sa ang buhok ay pumuti
‘Di na maghahanap ng kung anong sagot sa mga tanong
Dahil ikaw ang katiyakan ko
Hinding-hindi na ako bibitaw, ngayong ikaw na ang kasayaw
Kung meron mang kulay ang aking nagsisilbing tanglaw
Ikaw, ikaw ay dilaw
[Verse 2]
‘Di akalain mararamdaman ko muli
Ang yakap ng panahon habang
Kumakalabit ang init at sinag ng araw
(Sa lilim ng ulap)
[Pre-Chorus]
Mukhang ‘di naman delikado
Kasi parang ngumingiti na naman ako (Ngumingiti na naman ako)
Kaya ngayon ‘di na ‘ko mangangamba
Kahit ano’ng sabihin nila
[Chorus]
Ngayong nand’yan ka na, ‘di magmamadali
Ikaw lang ang katabi hanggang sa ang buhok ay pumuti
‘Di na maghahanap ng kung ano’ng sagot sa mga tanong
Dahil ikaw ang katiyakan ko
Hinding-hindi na ako bibitaw
Ngayong ikaw na ang kasayaw
Kung mayro’n mang kulay ang aking nagsisilbing tanglaw
Ikaw, ikaw ay dilaw
[Interlude]
(Ikaw, ikaw, ikaw)
[Chorus]
Ngayong nand’yan ka na, ‘di magmamadali
Ikaw lang ang katabi hanggang sa ang buhok ay pumuti
‘Di na maghahanap ng kung anong sagot sa mga tanong
Dahil ikaw ang katiyakan ko
Ngayong nand’yan ka na, ‘di magmamadali
Ikaw lang ang katabi hanggang sa ang buhok ay pumuti (Hanggang sa ang buhok ay pumuti)
‘Di na maghahanap ng kung anong sagot sa mga tanong
Dahil ikaw ang katiyakan ko (Ikaw, ikaw, ikaw)
Hinding-hindi na ako bibitaw, ngayong ikaw na ang kasayaw (Ngayong ikaw na ang kasayaw)
Kung mayro’n mang kulay ang aking nagsisilbing tanglaw
Ikaw, ikaw ay dilaw